
Maraming mga Pilipino ang mahilig sa makeup dahil na rin sa impluwensya ng iba’t ibang personalidad sa social media. Maraming Pilipino rin ang nahihirapang bumili ng ligtas, may maayos na kalidad at murang makeup. Marami rin sa kanila ang gustong gumamit ngunit hindi pasok sa badyet, hindi alam kung ano ang dapat bilhin at hindi alam kung paano gamitin. Hindi ako eksperto pagdating sa mga makeup ngunit ako’y may karanasan sa paggamit nito. Ang mga produkto na mababanggit ay sinubukin at nasubok ko na sa tagal ng panahon na paggamit ng makeup. Narito ang mga produkto na aking marerekomenda na sulit at pasok sa badyet na kailangan ng mga nagsisimula sa makeup:
1.Garnier Micellar Water

Bago gumamit ng makeup siguraduhing malinis ang mukha. Ang micellar water ng Garnier sa halagang 85 pesos ay may magandang kalidad na maalis lahat ng dumi sa iyong mukha. Ang Garnier Micellar Water ay alcohol-free kaya ligtas sa kahit anong uri ng balat. Ang isang sangkap ng micellar water ay ang micelles at ang micelles ay malapit sa langis at dumi kaya nakakakuha sila ng impurities na hindi pinapatuyo ang balat. Itong produkto na ito ay pwedeng gamitin bilang panghugas ng mukha, pag-alis ng makeup at pang moisturize ng kutis.
2. Celeteque Hydration Facial Moisturizer

Sa halagang 150 pesos, ang Celeteque Moisturizer ay makakatulong lalong lalo na sa mga may tuyong kutis. Ito ay water-based, oil-free at hypo-allergenic na ligtas sa lahat ng uri ng kutis. Kailangan nating gumatin ng moisturizer para mapanatiling malusog ang kutis at mabawasan at maiwasan ang mga tigyawat. Dapat itong ginagamit araw- araw at kadalasan itong ginagamit pagkatapos malinisan ang mukha at bago maglagay ng foundation o BB cream.
3. Fit Me Foundation

Ang murang foundation na aking marerekomenda ay ang Maybelline Fit Me Foundation sa halagang 399 pesos. Mayroon itong kulay na pagpipilian ng mga gumagamit lalo na sa mga kulay ng mga Asyano na tunay ngang bumabagay sa kulay ng kanilang kutis hindi katulad ng ibang foundation na pang mapuputi lamang. Hindi rin ito mabigat sa mukha at natatakpan agad nito ang mga depekto o blemishes. Ito rin ay may heavy-coverage na makaktulong para maging matipid sa paggamit nito.
4. Careline Best Brow Liner

Isa sa mga uso ngayon ay ang pagkakaroon ng maayos na kilay. Ang Careline Best Brow Liner ay 150 pesos lamang at ito agad ay nagbibigay ng magandang kalidad sa mga gumagamit. Ito ay hindi agad-agad natantangal at madali lamang gamitin. Ito rin ay may kulay na pagpipilian sa kung ano ang mas babagay sa kulay ng kutis at gusto ng mga mamimili.
5. Maybelline Fit Me Concealer

Sa halagang 250 pesos, ang Maybelline Fit Me Concealer ay magbibigay ng kalidad na katulad ng mga mahal na makeup. Ito ay may full coverage na sigurong matatakpan ang mga blemishes tulad ng eyebags, tigyawat, pagpula ng mukha, at iba pa. Ito ay may natural finish kung saan hindi halatang may nilagay ka sa mukha. Ito rin ay blendable na dapat nating hinahanap sa mga concealer na nagbibigay ng malaking tulong sa mga baguhan sa makeup. Ang Fit Me Concealer ay sulit lalong lalo na sa mga may gustong itago sa mukha. Tulad ng Fit Me Foundation, ito ay may iba’t ibang pagpipilian ng kulay na bumabagay sa kutis ng mga Asyano partikular ang mga Pilipino.
6. Vice Cosmetics Blush

Isa rin sa mga hilig ng mga Pilipino ay ang paglagay ng blush-on. Sa halangang 145 pesos, ang Vice Cosmetics ay nagbibigay ng creamy na blush-on kung saan nagiging dahilan ng pagiging madali nitong i-blend. Ito ay may kalidad na nilalampasan ang mga blushes na mahal. Ito rin ay may maraming pagpilian na kulay depende sa kung ano ang gusto ng mga mamimili. Ang pagpipilian ng kulay ay magagamit sa iba’t ibang okasyon.
7. Wet n Wild Pressed Powder

Para hindi kaagad matunaw at maalis ang mga produkto na iyong nilagay sa iyong mukha, kailangan gumamit ng pressed powder para masiguradong hindi masisira ang mga produkto sa iyong mukha. Sa halagang 299 pesos, ang Wet n’ Wild Pressed Powder ang nagbibigay ng magandang epekto para hindi matunaw ang makeup sa mukha na dulat ng oil o langis na inilalabas ng ating mukha.
8. Nichido Final Powder

Sa panahon natin ngayon, mahilig tayong mag-selfie o mag-picture. Para sa maging makinis at magandang mukha sa picture, ang Nichido Final Powder sa halagang 150 pesos ay nakakatulong para mabawasan ang mga linya at butas sa mukha. Tinutulungan din nitong hindi maging oily ang mukha ng gumagamit. Ang Nichido Final Powder ay mura ngunit may magandang kalidad at may iba’t ibang kulay na naaayon sa kutis ng mga bumibili lalong lalo na sa mga Pilipino.
9. Maybelline Hypercurl Volum’ Express Mascara

Ang 199 pesos mo ay hindi masasayang sa paggamit ng Maybelline Hypercurl Volum’ Express Mascara dahil ito ay may kalidad kung saan napapakapal at napapahaba nito ang ating pilik mata kahit kaunti lamang ang ilagay na dahilan ng pagiging sulit. Ito ay water-proof kaya kahit umiyak o mag hilamos ay hindi madaling matanggal. Madali rin itong ilagay dahil sa kanyang applicator na pwedeng pwede sa mga baguhan.
10. Vice Cosmetics Lip Tint

Sa halagang 145 pesos, ang Vice Cosmetics Lip Tint ang sulit para sa kahit sino. Hindi nito tinutuyo ang balat ng ating bibig at mayroong madaming kulay na pagpipilian depende sa okasyon at kagustuhan ng mga mamimili. Ito rin ay magiging bilang cheek tint o blush na isa sa mga dahilan kung bakit ito sulit. Ang mga kulay na pagpipilian ay sinigurado ng gumawa na bagay sa kahit sino. Hindi rin ito madaling maalis at madali lamang ilagay sa bibig. At ang laging hinahanap sa mga makeup, ito ay blendable.









